Monday, October 12, 2009

Adventures ng walang trabaho

June 2009 - Resignation

Sa halos dalawang taon ko nagtrabaho napag isipan ko mag-resign.
Dahil:
wala akong natututunan
walang nangyayari na bago
ayoko sa mga ka-trabaho ko
maliit ang sweldo
gusto kong tumulong sa negosyo sa bahay.

Hindi ako tinanggap sa sarili naming negosyo, (oo, sa sarili naming negosyo), dahil hindi pa naman daw ako kelangan doon. Oo nga hindi ako kelangan pero matagal ko nang napapansin na unti-unti itong bumabagsak. At nagba-basakali ako na makatulong para i-angat ang negosyo. Ang masaklap pa doon, kung kelan nagka-pirmahan na sa resignation ko, doon lang ako sinabihan na di pa ako kelangan sa bahay.

Ano na gagawin ko? babalik sa dati kong opisina? E sagad ang yabang ko nung paalis ako na tutulong ako sa negosyo namin. Di bale! mag hahanap nalang ako ng bagong pagkaka-kitaan. Punyeta! Bakit ang hirap mag hanap ng trabaho sa pilipinas! araw araw yan ang tanong ko sa sarili. I.T. ang tinapos ko, pero ang hindi ko namamalayan maraming nagtapos din sa I.T. punyeta diba? E ilan lang ba ang kelangan na I.T. sa isang kompanya? isa? lima? Ilan ba ang guma-graduate taon taon? 500,000? tapos ang iba pa doon e di hamak na mas magaling, mas matalino at mas madiskarte kesa sakin... isa pang punyeta nga jan! Punyeta!.

Hahaha, Dinadaan ko nalang sa tawa sa kaka-panood ng telebisyon at sa kaka-laro ng mga games sa Facebook ko (add nyo ako ha, para sa Mafia Wars ko - belaticadrus@yahoo.com). sa kanonood ng Youtube at sa katitingin ng mga trabahong mapag-aaplyan ko. Ano ba kse ang gusto kong trabaho?

Ayoko magtrabaho sa Gabi, lagi akong nagkakasakit... wala na! yun lang papayag ako kahit ano kahit saan pero bat ganun?!? sa larangan ng I.T. kung gusto mo kumita ng malaking pera dapat programmer ka, e kung wala ka naman talento sa pag-po-program, ano pa ba susunod sa pababa nun? encoder na kagad? Eh kung hindi ka rin naman sumusunod sa 40 words per minute? edi wala na akong pag asa? ano nalang call center? ayoko sa panggabi.

Call center ang trabaho ko dati, backdoor ako doon, wala ako sa telepono... humaharap ako sa computer ng walong oras para kumuha ng mga kompanya, address at phone number na tatawagan nila. Naging assistant narin ako ng I.T. doon, habang nag hahabol ako ng libo-libong contact number na tatawagan nila araw-araw, inaayos ko pa telepono nila, internet connection nila, pati narin computer nila. sa halagang 9,500, puyat, pagod at hindi humahabang apat na oras na tulog sa araw araw, wala pa akong filipino holiday. aayaw talaga ako sa Call center... oo malaki ang kita pero apat na beses naman ako nagkakasakit. Bilib nga ako sa mga tao na tumatagal sa ganun e.

Nag isip ako ng mga Negosyo na papasukan, gagawin na pagkaka-kitaan. pero saka ko na ike-kwento yun... aayusin ko muna yung farmville ko at mafia hahahaha kitakits!